Ulam Recipes Para sa Baon ng mga Bata

Ulam Recipes Para sa Baon ng mga Bata

Ano ang mga ulam recipes para sa baon ng mga bata?

  • Bistek
  • Chicken with Oyster Sauce
  • Sardine Fried Rice
  • Burger Steak with Vegetables
  • Curry Tuna and Garbanzo beans

 

Para mas mabilis ang paggawa ng baon para sa mga anak, magandang ideya ang pagbabasa ng iba’t ibang ulam recipe gaya ng ating tatalakayin dito. Ang mga benepisyo mula sa pagkokolekta ng mga recipes na ito ay matatagpuan sa iba’t ibang lasa at mga hatid na sustansiya ng mga ito.

Ito ang ilan sa mga masasarap na ulam magugustuhan ng iyong mga anak!

Bistek

Bistek

Ang bistek ay isa sa mga pinaka-masarap ng lutong pinoy recipes. Sa ulam na ito, the saltiness and sweetness are just balanced kaya naman tiyak na magugustuhan ito ng iyong mga anak. Mabuti rin na siguraduhin mo na malambot ang iyong mabibiling sirloin para talaga namang magugustuhan ito ng mga bata.

 

Ingredients:

  1. 250 gramo ng hiniwang sirloin
  2. ½ tasa ng toyo
  3. 1 manipis na hiwang sibuyas
  4. ¼ tasa ng katas ng calamansi
  5. Mantika
  6. 1 ½ tasa ng tubig
  7. Asin at paminta pampalasa

 

Procedure:

  1. Ibabad ang sirloin sa toyo, katas ng calamansi, Asin at paminta pampalasa.
  2. Iluto ang sibuyas sa mantika bago ibuhos ang sirloin. Igisa nang mga ilang saglit. Idagdag ang tubig sa kawali. Pakuluan ang sirloin at sibuyas ng 30 minuto.
  3. Samahan ang bistek ng mainit na kanin at ilagay sa baunan.

 

Chicken with Oyster Sauce

Ang oyster sauce ay malinamnam, at puno ng umami. Dahil sa mga katangiang ito, nagiging mas espesyal ang karaniwang manok. Nagbibigay ng kakaibang flavor ang luya, that balances out the sweetness of the sugar.

Ingredients:

  1. 2 chicken breasts
  2. 1 kutsara ng tinadtad na bawang
  3. 1 kutsara ng tinadtad na luya
  4. 1 tinadtad na sibuyas
  5. 4 kutsara ng oyster sauce
  6. 2 kutsara ng toyo
  7. ½ tasa ng tubig
  8. 1 kutsara ng asin
  9. 1 kutsara ng paminta
  10. Mantika
  11. 1 kutsara ng asukal

 

Procedure:

  1. Sa isang tasa, gawin ang sarsa para sa manok. Ihalo ang asin, paminta, oyster sauce, toyo, at asukal.
  2. Ibabad ang manok sa ginawang sarsa.
  3. Igisa ang bawang, luya, at sibuyas sa mantika ng 2 minuto, bago ibuhos ang manok. Iluto lahat ng mga sangkap sa loob ng 6 minuto bago ilagay sa baunan.

 Sardine Fried Rice

Sardine Fried Rice

Sa ulam recipe na ito, nagiging mas masarap ang kombinasyon kapag pinagsama ang kanin at sardinas kasama pa ng ibang pampalasa. Sorpresahin ang iyong mga anak ng kakaibang luto ng kanilang baong kanin gamit ang recipe na ito.

 

Ingredients:

  1. 225 gramo ng Spanish sardines sa olive oil
  2. 1 kutsara ng tinadtad na bawang
  3. 1 tinadtad na sibuyas
  4. 1 tinadtad ng karot
  5. ½ tasa ng toyo
  6. 1 tinadtad ng sili
  7. 1 tasa ng manipis na hiwang repolyo
  8. 2 itlog na basag at nahalo
  9. 3 tasa ng malamig na lutong bigas

 

Proseso:

  1. Prituhin ang sibuyas at bawang sa mantika sa loob ng dalawang minuto.
  2. Ibuhos ang carrot, sardinas, sili, at repolyo. Lutuin lahat sa loob ng apat na minuto.
  3. Idagdag ang kanin. Haluin nang maigi bago buhusan ng toyo.

 

Burger Steak with Vegetables

Para sa maraming bata, ang burger steak ay isa sa kanilang mga paboritong lutong pinoy recipes. Halos lahat ng fast food restaurants sa Pilipinas ay may sariling sariling bersyon ng burger steak dahil ito ang pinaka-patok na ulam para sa marami. Kung lulutin ang recipe kasama ng gulay, magiging mas masaya ang oras ng anak mo sa eskwelahan.

 

Ingredients:

  1. 2 burger steaks
  2. 1 ½ tasa ng mga de-latang gisantes
  3. 1 tasa ng mga de-latang mushrooms
  4. 1 malaking hiwang karot
  5. 1 kutsara ng tinadtad na bawang
  6. 1 tinadtad na sibuyas
  7. 1 tasa ng malaking hiwang green beans
  8. 2 tasa ng tubig
  9. 1 pakete ng gravy mix (30 gramo)
  10. Asin at paminta pampalasa
  11. Mantika

 

Procedure:

  1. Prituhin ang mga burger steak sa mantika sa loob ng walong minuto. Hanguin at isantabi sa isang plato.
  2. Sa parehong kawali, igisa ang sibuyas, green beans, green peas, mushrooms, bawang sa loob ng 4 minuto.
  3. Gawin ang gravy. Ihalo ang gravy mix sa mainit na tubig, maaari rin itong haluan ng
  4. Ilagay ang burger steak at mga gulay sa baunan bago ibuhos ang gravy sa ibabaw ng mga sangkap.

 

Curry Tuna with Garbanzo Beans

 

Curry Tuna at Garbanzo beans

Dahil sa tuna at garbanzo beans, magiging masustansya ang baon iyong anak. Puno ng omega fats ang tuna, habang magbibigay ng fiber ang mga garbanzo beans. Alamin kung paano ito lutuin dito:

 

Ingredients:

  1. 2 tasa ng garbanzo beans
  2. 180 gramo ng tuna flakes
  3. 1 kutsara ng tinadtad na bawang
  4. 1 tinadtad na sibuyas
  5. 1 kutsara ng tinadtad na luya
  6. 2 kutsarita ng curry powder
  7. 2 kutsara ng toyo
  8. 1 maliit ng hiwang kamatis
  9. 1 tasa ng tubig
  10. Mantika

 

Procedure:

  1. Iprito ang tinadtad na luya, bawang, at sibuyas sa mantika ng 3 minuto.
  2. Ibuhos ang tuna flakes, at kamatis. Lutuin ang lahat ng sangkap sa loob ng 3 minuto.
  3. Idagdag ang mga pamplasa; toyo at curry powder. Pagkatapos, ibuhos ang tubig. At pakuluin ang tuna kasama ng curry powder at garbanzos ng dalawang minute.

 

Key Takeaway

Mabuti na sanayin ang mga bata sa mga pagkaing pinoy na tiyak naman na masustansiya. It will be a great way to keep them healthy and in tip-top shape to learn at school. Pwede mong itong gagawin sa pamamagitan ng pagluluto ng mga ulam recipes na matatagpuan sa listahan na ito. Ito ay siguradong magugustuhan ng mga bata dahil ito ay iba sa kanilang mga nakasanayan na pritong ulam.

Hello there! We hope you're enjoying
Prime Mom Club content!
Get more by simply signing up with your Prime Mom Club account.
It's easy and FREE!

 Login with Prime Mom
×
×

Cart