Easy Lutong Bahay Recipes for Dinner

Easy Lutong Bahay Recipes for Dinner

Anu-ano ang mga masarap na lutong bahay recipes for dinner?

  • Fish and Tausi
  • Baked Chicken
  • Sardine Cakes
  • Sopas de miaz
  • Mushroom Pasta
  • Ginataang Gulay

 

Para sa mga working moms, ang mga lutong bahay recipes ang kanilang nagiging partner sa paghahanda ng masarap na hapunan para sa buong pamilya. Ito talaga ang realidad na kahit pagod ka na dahil sa trabaho, kinakailangan mo pa ring magluto ng mga masusustansiya at masasarap na pagkain para sa lahat. Ito naman ay magiging paraan para magkaroon kayo ng oras para mag-usap usap bilang pamilya. Kaya naman para masigurado mo na ang bawat hapunan ay ma-eenjoy ng buong pamilya, subukan itong mga lutong bahay recipes sa mga susunod na araw!

 

Fish and Tausi

Fish and Tausi

Ang tausi ay isang klase ng sitaw na dumaan sa proseso ng pagbuburo. Dahil nilagay ang sitaw sa brine, lumabas itong puno ng alat at umami. Ang tausi ay pinakamasarap kasama ng isda at pwedeng mo piliin anong klaseng gusto mo sa pagkain na ito.

Ingredients

  1. 5 fish fillets
  2. 1 kutsara ng tinatad na bawang
  3. 1 tinatad na sibuyas
  4. 1 ½ kutsara ng mantika
  5. 3 kutsara ng tausi
  6. 2 kutsara ng toyo
  7. 2 kutsara ng oyster sauce
  8. ½ kutsarita ng asukal
  9. 1 kutsara ng gawgaw
  10. Asin at paminnta, pampalasa
  11. 1 tasa ng tubig

Procedure

  1. Budbudan ang mga fish fillets ng asin at paminta.
  2. Sa isang kawali, iprito ang mga fish fillets sa mantika sa loob ng limang minuto.
  3. Ihalo ang sibuyas, bawang, at tausi. Iluto lahat ng isang minuto. Pagkatapos, ibuhos ang tubig, oyster sauce, at toyo.
  4. Pakuluan ang isda at gulay ng dalawang minuto. Ihalo ang gewgaw sa pagkain bago ihain

 

Baked Chicken

Kahit sobrang simple ang mga pampalasa para sa pagkain na ito, magugustohan parin ng buong pamilya ang lutong bahay recipe na ito dahil sa lambot ng lutong manok. Kahit ang mga bata ay siguradong magugustuhan ang dish na ito! Pwede rin itong ihanda sa mga espesyal na okasyon katulad ng reunion o birthday.

Ingredients

  1. 4 chicken breasts
  2. 1 kutsarita ng asin
  3. 1 kutsarita ng paminta
  4. 1 kutsarita ng garlic powder
  5. 1 kutsarita ng onion powder
  6. 2 kutsara ng mantika

Procedure

  1. Painitin muna ang oven sa 180 degrees Celsius.
  2. Ibuhos ang mantika sa 9×13 baking dish at ilagay ang mga chicken breasts.
  3. Sa isang maliit na mangkok, ihalo ang garlic powder, onion powder, asin, at paminta. Ito ang magiging pampalasa ng manok.
  4. Budburan ng manok ng ginawang pampalasa.
  5. Iluto ang manok sa oven ng 15 minuto bago ihain.

 

Sardine Cakes

Kapag ang natitirang sangkap sa kusina ay ang Spanish sardines, ito ang pwedeng lutuin para sa pamilya kapag wala ka ng oras para mamili sa grocery. Swak ito sa panlasang Pinoy dahil sa pamilyar at malasang kalidad nito. Ito rin ay isa sa mga masarap na baon ng mga bata kaya naman ito ang mga procedure kung paano ito lutuin.

Ingredients

  1. 225 gramo ng Spanish sardines sa olive oil
  2. 1 itlog
  3. 1 tinatad na sibuyas
  4. ½ tasa ng breadcrumbs
  5. Asin at paminta pampalasa
  6. 1 kutsara ng mantika
  7. ½ cup ng breadcrumbs

Procedure

  1. Ihiwalay ang Spanish sardines sa isang tasa gamit ang tinidor.
  2. Ihalo ang breadcrumbs, itlog, asin, paminta, sibuyas, at itlog
  3. Gamit ng mga kamay mo, kumuha ng bahagi ng timpla at bilugin hanggang maubos ang lahat ng timpla. Ilagay ang mga sardine cakes sa isang plato.
  4. Iprito ang mga sardine cakes sa mantika ng 3 minuto bago ihain.

 

Sopas de maiz

Sopas de Maiz

Ang sopas de maiz ay isa sa mga pinakamagandang gulay recipe para sa malamig at maulan ng gabi. Dahil kakaiba ito sa mga usual sabaw recipes na inihahanda mo, tiyak na magugustuhan ito ng lahat. Subukan itong lutuin gamit itong recipe na ito:

Ingredients

  1. 425 gramo ng de-latang mais
  2. 1 kutsara ng tinatad na bawang
  3. 1 tinatad na sibuyas
  4. 2 tasa ng tubig
  5. 2 tasa ng hipon, balatan at linisin
  6. 2 tasa ng spinach

Procedure

  1. Sa isang kasirola, iluto ang canned corn, sibuyas, shrimps, bawag, at tubig ng 7 minuto.
  2. Ibuhos ang spinach sa sopas at ihalo ng 1 minuto bago ihain.
  3. Maari ka ring magdagdag ng crouton para sa extra crunch.

 

Mushroom Pasta

Kahit walang karne ang mushroom pasta, uubusin ito ng mga anak ang gulay recipe na ito dahil sa malinamnam na lasa na ito. Subukan din itong recipe na ito kapag gusto mong ibida ang gulay sa hapag-kainan. Ito ang mga sangkap at procedure nito:

Ingredients

  1. 198 gramo ng de-latang mushroom
  2. 1 tinatad na sibuyas
  3. 1 kutsara ng tinatad na bawang
  4. 1 kutsara ng mantika
  5. 300 gramo ng lutong pasta
  6. 1 tasa ng gatas
  7. Asin at paminta pampalasa
  8. ½ tasa ng parmesan cheese
  9. 2 kutsara ng harina

Procedure

  1. Sa isang kawali, iprito ang sibuyas at bawang sa mantika ng isang minuto.
  2. Ibuhos ang de-latang mushroom at iluto sa kawali ng 2 minuto.
  3. Ihalo ang pasta, parmesan cheese, harina at gatas.
  4. Iprito ang lahat ng sangkap ng 3 minuto bago ihain.

 

Ginataang Gulay

Ginataang Gulay

Kadalasan, mahirap ngang pakainin ang mga anak ng mga gulay lalo na kung ito ay halu-halo sa isang ulam pero itong ginataang gulay recipe na ito ay ang magbabago ng ganoong sitwasyon. Nagbibigay ng karne at hipon ng mas maraming lasa ang mga gulay kaya naman makakasigurado ka na magtatagumpay ka sa misyon mo na pakainin ang iyong anak ng gulay.

Ingredients

  1. 2 tasa ng malaking hiwang baboy
  2. 6 piraso ng hipon, malinis at balatan
  3. 1 tinatad na sibuyas
  4. 1 kutsara ng tinatad na bawang
  5. 2 tasa ng de-latang gatas ng niyog
  6. ½ kilo ng kalabasa, malaking hiwa
  7. 8 pirason ng okra
  8. 10 green beans
  9. 2 kutasarang mantika
  10. Asin at paminta, pampalasa
  11. 1 kutsara ng tinadtad ng luya
  12. 1 kutsara ng tinadtad ng sili
  13. 1 tasa ng tubig

Procedure

  1. Iprito ang luya, sibuyas, asin, paminta at bawang sa mantika ng 2 minuto.
  2. Iprito ang hipon at baboy ng 5 minuto.
  3. Ihalo ang green beans, okra, kalabasa sa kawali. Iluto ng 3 minuto bago ibuhos ang tubig at gatas ng niyog.
  4. Pakuluan ang karne, hipon, at baboy ng 4 pang minuto bago ihain.

 

Key Takeaway

Kapag sobrang okupado ka sa iba’t bang mong responsibilidad, nakakatulong talaga ang lutong bahay recipes sa buhay mo. Sa article na ito, lubos mong matutugunan ang pangangailangang nutrisyon ng buong pamilya dahil may karne, gulay, baboy at manok ang mga pagkain dito. Subukan ito sa susunod na hapunan sa bahay!

Hello there! We hope you're enjoying
Prime Mom Club content!
Get more by simply signing up with your Prime Mom Club account.
It's easy and FREE!

 Login with Prime Mom
×
×

Cart